December 18, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

5 parrot, pinaghiwa-hiwalay dahil minumura umano mga zoo visitors

5 parrot, pinaghiwa-hiwalay dahil minumura umano mga zoo visitors
photo: Lincolnshire Wildlife Park

Muling kumakalat ngayon sa social media ang tungkol sa limang parrot na napabalita noong 2020 na pinaghiwa-hiwalay ng kulungan dahil minumura umano ang mga bumibisita at nagtatrabaho sa isang wildlife park sa eastern England. 

Ayon sa ulat ng mga international news media, Agosto 2020 nang i-donate ang mga parrot na sina Billy, Elsie, Eric, Jade at Tyson sa Lincolnshire Wildlife Park. 

Sa 200 African grey parrots na nasa loob ng wildlife park, magkakasama ang mga nabanggit na parrot sa isang quarantining facility. Nagmula kasi sila sa limang magkakaibang may-ari na dinala sa Lincolnshire.

Makalipas ang ilang araw, nagsimula raw ang limang parrot na murahin, laitin, at pagtawanan ang mga tao. 

Kahayupan (Pets)

Alagang pusa, nategi dahil sa maling pagkakaunawa sa ‘pampatulog’

“We saw it very quickly. We are quite used to parrots swearing but we’ve never had five at the same time,” saad ni Steve Nichols, CEO ng Lincolnshire Wildlife Park, sa isang panayam. 

Ang salitang "f*ck off" daw ang paboritong salita ng mga parrot. 

“People have come to us but they think it’s highly amusing, we haven’t had one complaint. When a parrot tells you to f*ck off, it amuses people very highly," dagdag pa niya. 

Sa iba pang panayam, sinabi ni Nichols na tinatawag daw siyang "mataba" tuwing dadaan siya sa kulungan ng limang parrot. Mabilis din daw kasi matuto ang mga ito.

Gayunman, kahit wala raw nagrereklamong mga bisita ay concerned daw sila sa mga batang makaririnig. Dahil dito, napagpasyahan ng pamunuan ng Lincolnshire Wildlife Park na paghiwa-hiwalayin ng kulungan ang mga parrot at alisin sa kanilang public areas.

Samantala, sa maikling panayam ng Balita sa Lincolnshire Wildlife Park, ibinahagi nila na nanatili pa rin sina Billy, Elsie, Eric, Jade at Tyson sa kanilang pangangalaga.

"They are still at the park and living within an aviary of African Greys," anang Lincolnshire Wildlife Park nitong Miyerkules, Hulyo 2, 2025.