December 14, 2025

Home BALITA Metro

19-anyos na lalaking lulong sa sugal, himas-rehas sa pagnanakaw ng tip box

19-anyos na lalaking lulong sa sugal, himas-rehas sa pagnanakaw ng tip box
Photo courtesy: via GMA News/Balitanghali (FB)

Nauwi sa bilangguan ang isang 19 taong gulang na lalaki matapos madakip sa pagnanakaw ng tip box ng isang coffee shop sa Binondo, Maynila.

Sa ulat ng "Balitanghali" ng GMA News, nahuli-cam ang nabanggit na lalaki na nagpanggap na customer ng coffee shop na nasa Juan Luna Street sa nabanggit na lugar sa Maynila, Martes ng gabi, Hulyo 2.

Makikita sa CCTV na paunti-unting ginagalaw ng lalaki ang kaniyang kamay mula sa tip box, at nang makabuwelo, ay tinangay na ito nang buo. Naglalaman daw ng ₱12,000 ang nabanggit na tip box.

Magsasarado na sana ang coffee shop nang mapansin daw nilang nawawala ang tip box.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Lumalabas sa imbestigasyon na pumasok pa sa palikuran ang lalaki upang ilagay sa isang bag ang lamang mga pera sa tip box at saka naman iniwan ito. Lumabas ng coffee shop ang suspek at sumakay ng isang e-trike.

Sinabi ng pulisya na pasara na ang coffee shop nang matuklasan ng mga empleyado na nawawala na ang kanilang tip box.

Sa isa pang kuha, makikita pa ang suspek na agad lumabas ng coffee shop ngunit hindi na niya dala ang tip box.

Hindi na nakunan sa CCTV ngunit sinabi ng pulisya na pumasok sa CR ang lalaki at doon umano niya kinuha ang laman ng tip box na aabot sa P12,000 na kaniyang inilagay umano sa bag.

Matapos ang pagtugis, nasukol ang suspek sa Elcano Street subalit hindi na niya naibigay ang pera dahil nagamit na umano sa online sugal. Lumalabas pa sa imbestigasyon na dati na siyang nakulong dahil dito.

Paliwanag ng lalaki, gipit lamang daw siya sa pera dahil kailangan niya ng pambili ng gatas at diaper ng kaniyang dalawang anak, at hindi raw para ipansugal.

Nakaambang sampahan ng kasong theft ang suspek.