Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang city legal na sulatan ang META upang mabawi ang Facebook page ng Manila Public Information Office (Manila PIO) sa mga dating empleyado ng Manila City Hall.
"This is a government property. It cannot be hostage by the previous employees of this city hall," saad ni Mayor Isko sa unang pulong ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) nitong Miyerkules, Hulyo 2.
Ayon pa sa alkalde, kakasuhan nila ang mga nasa likod nito.
"We will file charges sa mga may gawa nito dahil pag-aari yan ng pamahalaan. May gobyerno na sa Maynila, hahabulin namin kayo," ani Mayor Isko sa isang Facebook post.
Ginagamit ang Manila PIO Facebook page para sa pagpapakalat ng impormasyon sa panahon ng krisis at kalamidad, at maging mga anunsyo mula sa lokal na pamahalaan.
Habang inaaksyunan ang naturang Facebook page, pansamantala munang pinagagamit ng alkalde ang kaniyang personal Facebook account.