December 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Walang putok?' Barbie, Kyline, Toni naninghot ng kilikili sa It's Showtime

'Walang putok?' Barbie, Kyline, Toni naninghot ng kilikili sa It's Showtime
Photo courtesy: It's Showtime (FB)/Kapamilya Online Live (YT)

Nakakaloka ang tatlong hurado ng bagong segment na "Escort of Appeals" ng noontime show na "It's Showtime" matapos nilang maninghot ng kilikili ng dalawang male contestant.

Ang naimbitahang mga hurado ay sina "Beauty Empire" Kapuso stars Barbie Forteza at Kyline Alcantara at social media personality na si Toni Fowler.

Sabi kasi ni Toni, may tatlong katangiang dapat taglayin ang mga lalaki na hinahanap ng mga babae ngayon.

Ito ay character, confidence, at dapat walang putok.

Tsika at Intriga

'Hallu, Hallu sa kulungan!' Anne Jakrajutatip himas-rehas nang 2 taon, anyare?

Para kay Toni, napakahalaga raw na walang amoy ang kilikili ng lalaki lalo na sa panahon ngayon.

Hinamon naman ni Vice Ganda ang mga hurado para patunayan ang pangatlo, bagay na game na ginawa naman nila, nakakaloka!

Sa huli, ang isang male contestant ay may mabangong kilikili habang ang isa naman daw ay medyo may amoy.