Pinusuan ng mga netizen ang social media post ni "Armson Angeles Panesa" matapos niyang magbigay ng repleksyon hinggil sa social media personality at Kapuso artist na si Mika Salamanca, na isa sa mga duong kabilang sa Big Four ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition."
Bago kasi pumasok sa Bahay ni Kuya, kontrobersiyal si Mika dahil sa isyung kinasangkutan niya noon sa ibang bansa, at naging tila "negatibo" ang imahe dahil sa ilang kontrobersiyang nadikit sa kaniya sa social media.
KAUGNAY NA BALITA: Mika Salamanca, naiyak nang ma-red flag ng kapwa PBB housemates
Si Mika ay isang personalidad na minsang tinaguriang kontrobersyal, ngunit kalauna’y napatunayang hindi lang basta isyu ang bumabalot sa kaniya, kundi isang mas malalim na kuwento ng pagiging "misunderstood" at nahusgahan agad.
Ayon sa post, si Mika ay isa sa mga pinakamaagang na-judge ng publiko—kahit bago pa man siya pumasok sa loob ng PBB House. Bunsod ng mga lumang isyu na may kulang na konteksto, agad siyang pinintasan at hinusgahan ng marami. Kaya’t pagpasok pa lamang niya sa PBB, agad na siyang tinawag na “red flag” ng ibang manonood, hindi dahil sa mga ginawa niya sa loob, kundi sa mga tsismis at impresyon mula sa labas.
KAUGNAY NA BALITA: Mika Salamanca, hindi na raw affiliated sa isang kompanyang may isyu
KAUGNAY NA BALITA: Renz Saavedra, humingi ng tawad kay Mika Salamanca dahil sa mga maling akusasyon
KAUGNAY NA BALITA: Mika Salamanca, inokray na mukhang 'Avatar' dahil sa niretokeng ilong; bumwelta sa bashers
Hindi raw pinaniwalaan ang kabutihan ng kaniyang loob. Para sa ilan, imposibleng totoo ang ipinakikita niyang kabaitan. Sa isang lipunan na mabilis maghusga batay sa nakaraan, tila hindi pinapayagan ang tulad ni Mika na magbago, matuto, o maging totoo sa sarili.
Ngunit ang mas kahanga-hanga sa lahat: hindi raw siya nagtangkang linisin ang kaniyang pangalan. Hindi siya naging palaban para ipagtanggol ang sarili. Bagkus, pinili niyang manahimik at hayaan ang kaniyang tunay na pagkatao ang magsalita. Hindi niya raw pinilit ang mga taong hindi komportable sa kaniya. Sa halip, niyakap niya ang mga taong piniling manatili at maniwala.
"Tayo si Mika at one point of our lives," aniya sa kaniyang Facebook post.
"Remember, she was the controversial girl even before na pumasok sya sa loob ng PBB."
"Ang alam natin sa kanya ay masama sya because of all the issues na nakadikit sa kanya. Wala tayong full context and yet na-judge natin sya. Naging katatawanan sya sa napakaraming pagkakataon."
"When she entered PBB, she received a RED FLAG. The reason eh hindi sila naniniwala na mabait si Mika so they thought di sya nagpapakatotoo. Why? Dahil sa mga issues nya sa labas. Na kulang ang context."
"Na-invalidate na yung kindness ng puso ng tao just because meron syang past. Parang wala kang chance na magbago, matuto or magpakatotoo."
"Minsan sa buhay natin, tayo sa Mika. Maraming beses tayo na-judge without hearing our side of story. Or how we ended there."
"Maraming naging ayaw tayo, and maraming nag-raise ng kilay just because our kindness for them is too suspicious. Some took advantage, and some ruined us."
"But, what is inspiring about Mika eh, hindi nya pinilit mag explain. Hindi defensive to clean her name. What she did is she just showed herself. Let people go kung hindi comfortable, and hug people who chose to stay."
"I was not fan of Mika, until I saw her sa PBB. She is not a controversial girl. She is just misunderstood."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, na karamihan ay sumang-ayon sa kaniya.
"Mika I'm your Fan since day 1, I'm her silent Fan-helium girl kapa noon and I saw how you grow, from how you start to vlog.. nasa alabama Kapa non, then saw you enter at the PBB house my heart is so crying, knowing na ang daming judgement ng tao Sayo pero now napatunayan mo na... go!!! mikmik. All Mikanism love's you."
"i'm proud to say that never ko jinudge si mika. i'm a silent fan of her even before pbb. kita nmn sa aura nya na mabait sya inside & out!!!"
"Ganun naman talaga most of the times, strong people got misunderstood. But tama, no need to explain nor defend yourself, sino ba sila? As long as wala kang ginagawang masama sa kanila, just go with what makes you happy and continue to live the way you want."
"Never ko siya nakitang masama. Maybe i was ahead of her age kaya naiisip ko lang na bad decisions are part of her age. About sa last issue nya knowing and been watching her na mabait siya talaga as a person, feeling ko na manipulate lang siya(mabait kasi, nattake advantage) to join syempre all we want as growing up un magkaroon ng business. Siguro iba lang un definition ko of seing who’s really as considered as a 'bad person.'"
Isa pa sa mga nagtanggol para kay Mika ay kaibigang si Filipino-Chinese social media personality Benedict Cua.
KAUGNAY NA BALITA: Kahit 'di pa Big Winner: Mika Salamanca, panalo na sa puso ng tao sey ni Benedict Cua
Nagpahayag din ng pagsuporta sa kaniya ang TV personality na si Awra Briguela.
KAUGNAY NA BALITA: Awra, binati si Mika matapos makalusot sa Big 4 ng PBB
Si Mika ay ka-duo ni Kapamilya housemate Brent Manalo, at malapit nang malaman kung sino ang tatanghaling Big Winner duo sa makasaysayang PBB celebrity collab ng ABS-CBN at GMA Network.
Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 24k reactions, 9.4k shares, at 305 comments ang nabanggit na post.