December 13, 2025

Home BALITA Metro

₱50 na dagdag-sahod sa NCR, ipapatupad sa Hulyo

₱50 na dagdag-sahod sa NCR, ipapatupad sa Hulyo
Photo Courtesy: via MB

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ₱50 na dagdag-sahod sa mahigit isang milyong minimum wage earners sa Metro Manila.

Sa isang Facebook post ng DOLE nitong Lunes, Hunyo 30, ito raw ang pinakamalaking salary increase na naibigay ng NCR wage board.

Mula sa dating ₱645, papatak na ng ₱695 ang arawang sahod ng mga manggagawa mula sa non-agriculture sector. Samantala, magiging ₱658 naman ang mga nasa sektor ng agrikultura na dati ay 608 lang.

Nakatakdang ipatupad ang naturang wage increase sa darating Hulyo 18, isang araw pagkatapos ng anibersaryo ng huling minimum wage increase sa National Capital Region noong Hulyo 17, 2024.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Matatandaang naudlot ang wage hike bill matapos hindi magkasundo ang Senado at Kamara sa magkaiba nilang bersyon ng umentong ipapataw sa mga manggagawang nasa pribadong sektor.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Walang idadagdag!’ Kamara, Senado, tuluyang dinedma 'wage hike bill'