December 13, 2025

Home BALITA Metro

'Sana all!' Netizens, pinusuan bagong bukas na animal care center sa Makati City

'Sana all!' Netizens, pinusuan bagong bukas na animal care center sa Makati City
Photo courtesy: My Makati/Facebook

Napa-sana all ang mga netizens matapos ibida ng Makati City ang bagong Animal Care Facility sa kanilang lungsod.

Ayon sa Facebook page na My Makati, binuksan ang nasabing Animal Care Facility noong Hunyo 25, 2025 na pinangunahan ni outgoing Makati City Mayor Abby Binay.

Dalawang palapag na gusali ang naturang pasilidad na nagbibigay ng libreng bakuna, microchipping at spay/castration.

Ito ang kauna-unahang animal care facility sa bansa na kumpleto raw sa mga serbisyo katulad ng konsultasyon, surgeries, recovery at food preparation para sa mga alagang hayop.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Samantala, napahanga rin daw ang netizens sa facade ng nasabing gusali matapos kasing ihulma dito ang tila katawan ng aso na siyang nagpapakita ng pagiging eksklusibo ng naturang pasilidad.

“I hope the rest of the Philippines embraces this new culture and awareness.”

“I hope other municipalities will follow your lead.”

“Sana mandatory to all LGUs!”

“Wow sana dumami ang ganyan sa ibat ibang lugar ng Pilipinas!”

“Sana Nationwide na!”

“Salamat at sana lalo pa madagdagan ang Animal Care Facility ng Pilipinas.”