Binweltahan ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa panayam ng “Long Take” ng One News kamakailan, sinabi ni Roque na hindi raw niya mapapatawad ang administrasyon ni Marcos dahil sa ginawa umano nito sa kaniya nito na naging dahilan para malayo siya sa kaniyang pamilya.
“I will never forgive this administration for what they did to me and my family,” saad ni Roque.
Anang dating presidential spokesperson, itinuturing umano ng pamilya niya bilang pinakamalungkot na holiday season ang nakalipas na Pasko at Bagong Taon dahil hindi sila magkakasama.
Dagdag pa umano ni Roque, bagama’t hindi nagpapaapekto, hindi pa rin maiwasan ng mga anak niyang nag-aaral sa abroad na mag-alala sa kani-kanilang kaligtasan.
Kasalukuyang umaapela ng asylum si Roque habang nakabinbin ang kaso niya dahil sa umano’y human trafficking na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
MAKI-BALITA: Harry Roque, maghahain ng asylum sa The Netherlands
MAKI-BALITA: Harry Roque, pinaaaresto ng Angeles court dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng POGO
Pero bago pa man ito, nauna na siyang binabaan ng arrest order matapos ang hindi pagdalo sa House inquiry para sa POGO Lucky South 99, na siya ang lumalabas na umano'y legal counsel.
MAKI-BALITA: Roque, ipina-cite in contempt dahil hindi isinumite ang SALN at iba pang dokumento sa House QuadCom