Nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa pagkanta ng mga celebrity na sina Fyang Smith at Chloe San Jose.
Matatandaang parehong nag-launch ng album ang dalawa matapos nilang pasukin ang music industry. Kaya may mga humihirit na ring mag-collab sila.
MAKI-BALITA: Bagong mukha ng OPM? Fyang Smith at Chloe SJ, hinihiritang mag-collab
At sa album launch nga ni Fyang, hindi siya nakaligtas sa pang-ookray ng netizens lalo nang lumutang sa social media ang video clips ng paghataw niya sa ilang hit songs ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.
At sa album launch nga ni Fyang, hindi siya nakaligtas sa pang-ookray ng netizens lalo nang lumutang sa social media ang video clips ng paghataw niya sa ilang hit songs ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.
MAKI-BALITA: Kilometro daw layo! Fyang inokray, papalit sa trono ni Sarah G?
Ngunit sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Hunyo 26, sinabi ni Ogie na ayaw na raw niyang problemahin pa sina Fyang at Chloe.
“Kasi ‘pag pinroblema ko pa sila, dadagdag pa ‘yan sa mga problema ko, e, ‘di ba?” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Mas magandang unawain mo na lang sila kung bakit nila ginawa ‘yon, kasi nga, happy sila; kasi nga marami silang fans na napapasaya.”
Kaya bilang isa ring talent manager, kung mapapasaya ng alaga niyang artista ang mga fans nito sa pamamagitan ng pagkanta, hindi raw niya pipigilan.
“Sa isang kondisyon, kailangan araling maigi. Kailangan mag-voice lesson ka nang bonggang-bongga,” anang showbiz insider.