December 13, 2025

Home BALITA Politics

Parang umamin na rin? VP Sara, ‘di tinanggi mga paratang —impeachment spox

Parang umamin na rin? VP Sara, ‘di tinanggi mga paratang —impeachment spox
Photo Courtesy: Screenshot from HOR (YT), Santi San Juan/MB

Ipinaliwanag ni impeachment spokesperson Atty. Antonio Audie Bucoy ang tugon ng House prosecution panel sa inihaing “not guilty” plea ni Vice President Sara Duterte.

Nakasaad sa apela ng bise-presidente noong Lunes, Hunyo 23, na dapat umanong ibasura ang ikaapat na impeachment complaint laban sa kaniya dahil sa pagiging ilegal nito.

Ngunit sa isinagawang press briefing nitong Biyernes, Hunyo 27, sinabi ni Bucoy na puno umano ito ng “misconception,” “falsehood,” at “general denial.“ 

Aniya, “Hindi ho niya sinagot ‘yong mga factual allegations, e. Sinabi lang niya, ‘hindi totoo ‘yan.’” 

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

“Ang problema sa general denial, na hindi mo sinagot in particular ‘yong sakdal, dapat kasi ‘pag ide-deny mo sasabihin mo kung bakit. [...] Ngayon ho, sa batas, general denial is considered as admission,” dugtong pa ni Bucoy. 

Kaya naman, iniisa-isa ng impeachment spokesperson ang ilan sa mga alegasyong hindi umano itinanggi ng bise-presidente laban dito.

“Hindi niya itinanggi na there was an attempt na supilin ‘yong paglabas ng mga dokumento from COA [Commission on Audit]. [...] Hindi niya itinanggi na malaking halaga ng confidential and intelligence fund ay nagasta sa napakaiksing panahon,” saad ni Bucoy.

“Hindi niya itinanggi ‘yong mga liquidation documents,” pagpapatuloy niya. “Sinabi namin, ‘fake ito. Fictitious ‘yong tao ‘to.’ Hindi niya in-address ‘yon. Sinabi niya lang hindi totoo.”

Ayon kay Bucoy, ”‘Yon ho ang ibig kong sabihin. Na dapat, ikaw, ‘pag itatanggi mo…you should say why you denying it. ‘Yong kaniya [VP Sara], sinabi lang niya, hindi totoo ‘yan. So sa amin ho, sapat na siya. That’s an admission.”

Matatandaang Pebrero 5 nang tuluyang na-impeach sa Kamara si VP Sara matapos ang pagpirma ng tinatayang 215 mga mambabatas sa ikaapat na impeachment complaint laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte

Ngunit nakabinbin pa rin hanggang ngayon sa Senado ang kaso ng bise presidente. Kamakailan lang ay ibinalik sa Kamara ang Articles of Impeachment upang isertipika umano ng mga kongresista na wala silang nilabag na anoman sa Konstitusyon.

BASAHIN:  Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?

Sa kabila nito, tiniyak naman ng House Prosecution Panel na hahawak sa paglilitis ni Duterte na  “active” at “alive” pa rin umano ang kaso.