Naging emosyunal ang singer na si Chloe San Jose o "Chloe SJ" matapos ang launching ng kaniyang album na "Chloe Anjeleigh For Real" na may pitong tracks at mapakikinggan sa major music platforms sa bansa.
Ginanap ang pag-launch sa Noctos Music Bar sa Quezon City noong Martes, Hunyo 24.
Kinanta ni Chloe ang laman ng kaniyang albums na "FR FR” at "Nonchalant" na nauna na niyang na-launch noong Marso, at ang mga bagong awiting “Iyo,” “Something Right,” “Tanim,” “Dulo ng Bahaghari,” at “Shush.”
KAUGNAY NA BALITA: Chloe San Jose, 'Chloe SJ' na; may paparating pang dalawang kanta!
Siyempre, present din sa nabanggit na launch concert ang kaniyang boyfriend na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, kung saan dedicated sa kaniya ang awiting "Iyo."
Ang nag-produce ng album ni Chloe ay StarPop, na isa sa mga music label ng ABS-CBN Music.
Si Chloe ay present at nag-perform din sa "Forever Fyang" concert kamakailan ni Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith.
KAUGNAY NA BALITA: Kilometro daw layo! Fyang inokray, papalit sa trono ni Sarah G?