December 13, 2025

Home BALITA Politics

Tito Sotto, dismayado sa Senado dahil sa impeachment vs. VP Sara

Tito Sotto, dismayado sa Senado dahil sa impeachment vs. VP Sara
Photo Courtesy: Tito Sotto (FB)

Nagbigay ng palagay si Senator-elect Tito Sotto sa kasalukuyang nangyayari sa loob ng Senado.

Sa latest episode ng One News interview na “The Long Take” noong Martes, Hunyo 25, tahasang sinabi ni Sotto na dismayado raw siya sa upper house ng Kongreso.

“I’m quite disappointed because there were procedures that were not followed as early as February, when the articles of impeachment were transmitted to the Senate,” saad ni Sotto.

Dagdag pa niya, “But before that, namo-monitor ko ang mga procedure sa Senate may mga improvements na dapat na ginawa nila. All they have to do is follow the old style as old timers, which I did.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang isa si Sotto sa mga inaasahang tumakbo bilang Senate President sa pagpasok ng 20th Congress.

MAKI-BALITA: Tito Sotto, kinumpirmang kinausap ng 3-4 senador ukol sa Senate presidency

Samantala, nakabinbin pa rin hanggang ngayon sa Senado ang kaso ni Vice President Sara Duterte. Kamakailan lang ay ibinalik sa Kamara ang Articles of Impeachment upang isertipika umano ng mga kongresista na wala silang nilabag na anoman sa Konstitusyon.

BASAHIN:  Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?

Ngunit noong Lunes, Hunyo 23, naghain ng “not guilty” plea ang bise presidente kung saan nakasaad doon na dapat umanong ibasura ang ikaapat na impeachment complaint laban sa kaniya dahil sa pagiging ilegal nito.

Ito ay sa kabila ng kaniyang naging pahayag noong Mayo na gusto raw niya ng isang madugong paglilitis.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'