Tila dismayado si Senador Robin Padilla sa inaasta ng mga Pinoy sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Matatandaang naglunsad ang Israel ng malawakang pag-atake sa Iran noong Biyernes, Hunyo 13, na pinangangambahang maging mitsa ng mapanganib na digmaan sa rehiyon.
Kaya sa isang Facebook post ni Padilla nitong Sabado, Hunyo 21, pinatutsadahan niya ang mga Pinoy na puro politika umano ang inaatupag.
“Ang lahat ng bansa ngayon ay nakabantay at naghahanda sa magiging epekto sa ekonomiya at seguridad ng gera ng Israel at Iran. Pero ang Pinoy ‘Pulitika pa rin ang almusal, tanghalian, merienda at hapunan,’” anang senador.
Wala namang espisipikong binanggit si Padilla kung anong “politika” ang tinutukoy niya. Ngunit matatandaang mainit na usapin kamakailan sa bansa ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
BASAHIN: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?