December 18, 2025

Home FEATURES Trending

Lagot! Babaeng humiga sa loob ng freezer ng convenience store, kakasuhan

Lagot! Babaeng humiga sa loob ng freezer ng convenience store, kakasuhan
Photo courtesy: Contributed photo (FB)

Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng isang convenience store laban sa isang babaeng vlogger na pumasok sa loob ng kanilang store freezer at humiga.

Ayon sa Alfamart, pinag-aaralan na nila ang posibleng legal na hakbang na isasampa nila laban sa nabanggit na babae at mga responsable rito.

"Please understand that we are compelled to pursue legal action against those responsible for the improper use of our store equipment," anila.

Nagbigay rin sila ng babala sa iba pang gagaya sa nabanggit na akto.

Trending

French fries outlet, nilansihan franchisee matapos umanong maghain ng business proposal?

Nagbigay rin ng assurance ang pamunuan ng convenience store na lahat ng mga iced products na nasa loob ng nabanggit na freezer ay inalis na nila, at agad na nilinis at na-sanitize ang loob ng freezer.

"We will always uphold our commitment to maintaining the highest standard of hygienic practices and safety measures to protect our valued customers," anila pa.

Photo courtesy: Alfamart (FB)