Pabor si Senator-elect Erwin Tulfo na ituloy ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam sa kaniya ng media nitong Huwebes, Hunyo 19, 2025, iginiit niyang wala siyang nakikitang rason upang hindi ituloy ang impeachment na siyang maglalabas umano ng katotohanan.
“Kung ako tatanungin n'yo personally, why not?” ani Tulfo,
Saad pa niya, “Kung the VP is not guilty, then so be it. Let's dismiss the case, 'di ba? Bakit natin pipilitin kung hindi siya guilty 'di ba? Mayroon siyang mga evidence, statements, na will say so na she's innocent, she's not guilty. Pero kung the evidence will really, 'ika nga ididiin siya doon, then we don't have a choice.”
Iginiit din ni Tulfo na halos pati raw ang kalahati ng populasyon ng bansa ay pabor na malitis si VP Sara kung talagang totoo ang mga umugong na alegasyon laban sa Pangalawang Pangulo.
“Half of the population wants to hear 'ano ba mayroon diyan? Totoo ba o hindi?' saad ni Tulfo.
Matatandaang naiwang nakabinbin sa House of Representatives ang impeachment ni VP Sara matapos ibalik ng Senado ang articles of impeachment upang mapatunayan umano ng Kamara kung wala silang nilabag sa Konstitusyon noong ikinasa nila ito noong Pebrero 2025.
KAUGNAY NA BALITA: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?