Nagbigay ng tugon si House Spokesperson Atty. Princess Abante kaugnay sa alegasyong tumanggap umano ng pabor ang 215 kongresistang pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa ikinasang press conference nitong Lunes, Miyerkules, Hunyo 18, sinabi ni Abante na naniniwala umano siyang nakabatay ang pagpirma ng mga kongresista sa paninindigan ng mga ito.
“Naniniwala ako na ‘yong 200 plus na congressmen na pumirma do’n sa impeachment ay pumirma hindi para sa halaga o anomang pabor na makukuha pero para sa paninindigan,” saad ni Abante.
Dagdag pa niya, “Baka masyado na silang nasanay na lahat ng galaw ng kanilang kakampi ay kailangan may bayad. Pero dito sa Kongreso, dito sa Kamara, hindi ganyan ang mga miyembro ng Kamara na kailangang bayaran para gumalaw.”
Matatandaang ibinalik ng Senado sa Kamara ang Articles of Impeachment upang isertipika umano ng mga kongresista na wala silang anomang nilalabag sa Konstitusyon.
Ngunit sa kabila nito, sinabi ng House Prosecution Panel na hahawak sa paglilitis ni Duterte na “active” at “alive” pa rin umano ang kaso.
BASAHIN: Botong 18-5: Sino-sino Senator-judges na aprub, tutol sa mosyon nina Dela Rosa, Cayetano?