Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) na may "medium" chance na maging unang bagyo ngayong 2025.
Ayon sa 8:00 a.m. weather bulletin ng PAGASA. nitong Biyernes, Hunyo 6, may "medium" chance o katamtamang tyansa na maging tropical depression o bagyo ang naturang LPA.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na ang LPA ay inaasahang lilipat malapit sa Eastern Visayas at Bicol Region sa weekend at maaaring maging tropical depression.
“Kung saka-sakaling maging isang ganap na bagyo o tropical depression ito bukas (Saturday) or sa Sunday, papangalan po natin ito na Auring—o ’yong magiging unang bagyo for this month of June and even for the year 2025,” saad ni Estrareja.
Ngayong Biyernes, magdadala ang southwest monsoon o habagat ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol Region.
Makararanas din ang Northern at Central Luzon ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan dahil pa rin sa habagat.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga pangalan ng bagyo ngayong 2025