Mananatili sa puwesto ang limang miyembro ng economic team ni Pangulong Bongbong Marcos matapos nitong tanggihan ang courtesy resignation ng mga ito, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa isang press conference nitong Biyernes, Mayo 23, pinangalanan ni Bersamin ang limang key officials ng economic team ng pangulo na mananatili sa puwesto.
Ito'y sina DTI Secretary Ma. Cristina Roque, DOF Secretary Ralph Recto, DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, DBM Secretary Amenah Pangandaman, and Secretary Frederick Go, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.
Dagdag pa ni Bersamin, hindi rin tinanggap ng pangulo ang kaniyang courtesy resignation bilang executive secretary.
Samantala, inaasahan sa susunod na linggo ay magkakaroon ng panibagong anunsyo kaugnay sa mga miyembro ng gabinete dahil "under evaluation" pa umano ang ilan sa kanila, ayon pa sa executive secretary.