Hindi nakadalo si Senator-elect Kiko Pangilinan sa proclamation ceremony ng mga nagwaging senador nitong Sabado, Mayo 17, dahil kasalukuyan daw siyang nasa United States para sa graduation ng kaniyang anak na si Frankie.
Ayon sa kampo ni Pangilinan, kasama ng nahalal na senador ang kaniyang pamilya sa paglipad sa US para sa college graduation ni Frankie.
Gayunpaman, ipinaabot ni Pangilinan ang kaniyang pasasalamat sa mga naghalal sa kaniya at tinatanggap ang mandatong ibinigay sa kaniya ng mga Pilipino.
“With deep humility and immense gratitude, I accept the mandate given to me by the Filipino people,” saad ng senator-elect.
Base sa official tally ng Comelec, nasa rank 5 si Pangilinan na may botong 15,343,229.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Final senatorial, party-list ranking sa 2025 midterm elections
Habang sinusulat ito’y kasalukuyang isinasagawa ang proclamation ceremony para sa mga nagwaging senador sa The Manila Hotel Tent City.