May 17, 2025

Home BALITA National

ITCZ, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH — PAGASA

ITCZ, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH — PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa ring nakaaapekto ang weather systems na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa bansa ngayong Sabado, Mayo 17, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang ITCZ—na tumutukoy sa linya kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa northern at southern hemispheres—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, Eastern Visayas, at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, bukod sa maalinsangang panahon ay inaasahang magdadala ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'

Posible rin ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, paalala ng weather bureau.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).