May 14, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pastor Apollo Quiboloy, nananawagan ng manual recount

Pastor Apollo Quiboloy, nananawagan ng manual recount
(MB file photo)

Nananawagan ng manual recount si senatorial candidate Pastor Apolloy Quiboloy dahil sa umano'y "numerous reports of overvoting anomalies, inconsistencies in ballot readings, and other electoral irregularities."

Sa isang pahayag ng spokesperson ni Quiboloy na si Israelito Torreon, nananawagan daw ang kaniyang kliyente na magsagawa ng manual recount dahil sa umano'y mga naiulat na anomalya sa pagbabasa ng balota.

"With numerous reports of overvoting anomalies, inconsistencies in ballot readings, and other electoral irregularities, Pastor Quiboloy calls for a manual recount of the senatorial votes," saad ni Torreon nitong Martes, Mayo 13.

" This is not a rejection of our democratic process, but a call to strengthen it. We remain committed to seeking justice, and we will pursue all legal avenues to ensure the integrity of every vote cast," dagdag pa niya.

Eleksyon

Giit ni Sen. Imee: 'Manindigan sa tama para manalo!'

Samantala, habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang Commission on Elections (Comelec) hinggil dito.

As of 8:09 a.m nitong Miyerkules, Mayo 14, nasa ika-31 puwesto si Quiboloy na may botong 5,578,393. 

Kasalukuyan naman siyang nasa kustodiya ng mga awtoridad dahil sa kinahaharap niyang mga kaso ng qualified human trafficking at child abuse sa bansa.

Bukod sa mga kaso sa Pilipinas, matatandaang kinasuhan din ang pastor sa United States (US) ng sex trafficking by force, fraud, at coercion; conspiracy, at bulk cash smuggling.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga