May 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Romualdez, nanawagang igalang proseso ng eleksyon; bumoto nang may pagninilay

Romualdez, nanawagang igalang proseso ng eleksyon; bumoto nang may pagninilay
House Speaker Martin Romualdez (MB file photo)

Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino na igalang ang proseso ng 2025 midterm elections at bumoto nang may pagninilay-nilay at integridad.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Mayo 12, binanggit ni Romualdez na napakahalagang bumoto ang bawat Pilipinong botante dahil may kapangyarihan silang itakda ang kinabukasan ng Pilipinas.

“When you cast your vote, you are not merely fulfilling a civic duty but taking part in a solemn act of democracy. Your ballot is a declaration of conscience, a quiet but resolute affirmation of your role in building our nation,” aniya.

Nanawagan din ang House leader na bumoto nang may kasamang pagninilay at integridad, dahil katumbas daw ang bawat boto nila bilang isang responsibilidad para sa patutunguhan ng bansa.

Eleksyon

Bong Go matapos maging rank 1 sa senatorial race: ‘God is good, God is fair’

“Ang bawat boto ay may kapangyarihang humubog sa kinabukasan, atin itong pananagutan at paninindigan bilang mamamayang Pilipino,” ani Romualdez.

“Pilin natin ang katahimikan, kaayusan, at paggalang sa proseso. Sa bawat pagboto, ipinapakita natin ang ating malasakit sa bayan at ang ating hangaring mapanatiling matatag ang demokrasya,” saad pa niya.