May 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

Maharlika, binanatan si Sen. Imee sa 'Romualdez-Araneta gobyerno ngayon'

Maharlika, binanatan si Sen. Imee sa 'Romualdez-Araneta gobyerno ngayon'
Photo courtesy: Screenshots from Maharlika (TikTok)/Imee Marcos (FB)

Nagbigay ng maaanghang na banat ang social media personality na kritiko ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na si Claire Contreras o mas kilala sa pangalang "Maharlika" kaugnay sa inilabas na campaign video ni re-electionist Sen. Imee Marcos.

"Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon ay Romualdez at Araneta," saad ng senadora, na tila pasaring sa kaniyang pinsang si House Speaker Martin Romualdez at hipag na si First Lady Liza Araneta-Marcos.

"Payo ni VP [Sara], magpalit na raw ako ng apelyido. Sagot ko, 'Inday, hindi ko kailangang magpalit ng apelyido. MARCOS AKO, I'm me! Ako ay ako! Ako ay si Imee Marcos," pahayag pa ng senadora sa inilabas niyang 1-minute video noong Biyernes, Mayo 9, tatlong araw bago ang eleksyon.

MAKI-BALITA: Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Eleksyon

Jake Ejercito, pinakilala 6 niyang senador: 'Iba naman!'

Resbak naman ni Maharlika sa senadora, na ibinahagi rin sa social media platform na TikTok na may pamagat na "Imee Marcos, trending sa pag-mind control sa tao," "Bakit hindi  niya [Sen. Imee] sabihin na inutil ang kaniyang kapatid? Bakit hindi mo sabihin sa sambayanang Pilipino na Marcos Jr., ading, adiktus benediktus, bumaba ka na... hindi niya masabi na inutil ang kapatid niya! Na adik na nagpapahirap sa inyong lahat!"

"Ngayon ilalabas niya sa picture si Bangag tapos kayo papauto-uto lang? Anyway, buhay n'yo 'yan! Huwag kayong magpapauto. Ito ay inililihis niya 'yong imahe ng kaniyang kapatid, sinisisi niya si 'Satanas' at itong si Romualdez na pinsan niya, at inilalayo niya 'yong kaniyang kapatid. Kaya para magalit kayo dito sa mga Romualdez at Araneta at mamahalin n'yo pa rin 'yong bangag niyang kapatid na ayaw magpa-hair follicle test," banat pa ni Maharlika.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Sen. Imee Marcos tungkol sa isyu.