May 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

‘Ang tagumpay ng Alyansa ay tagumpay ng bayan’ —Erwin Tulfo

‘Ang tagumpay ng Alyansa ay tagumpay ng bayan’ —Erwin Tulfo
Photo Courtesy: Alyansa para sa Bagong Pilipinas (FB)

Napuno ng pasasalamat ang talumpati ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo para sa lahat ng kaniyang mga tagasuporta, kaibigan, pamilya, at kapartido matapos manguna sa senatorial surveys.

MAKI-BALITA: Bong Go, Erwin Tulfo, nanguna sa senatorial survey ng OCTA Research

Sa ikinasang campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Shaw Boulevard, Mandaluyong noong Biyernes, Mayo 9, sinabi ni Tulfo na ang tagumpay umano ng Alyansa ay tagumpay ng bayan.

“Last but not the least, nais ko pong pasalamatan kayong lahat. Kayo pong mga sumusuporta po sa Alyansa; kayo pong sumusuporta po sa akin personally, thank you saan mang dako kayo naroroon,” saad ni Tulfo.

Eleksyon

'Money ban' sa Western Visayas, ipapatupad ilang araw bago ang eleksyon

Dagdag pa niya, “Thank you for making me number one. [...]  Ang tagumpay po ng Alyansa ay tagumpay po ng bayan. Dahil ang Alyansa po ay bitbit namin ang experience at ika nga trabaho ‘pag kami ay naroon na. “

Matatandaang Setyembre 2024 nang opisyal na ipakilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang mga senatorial candidate sa ilalim ng Alyansa. 

Kabilang sa slate na ito sina Tito Sotto III, Ping Lacson, Manny Pacquiao. Lito Lapid, Pia Cayetano, Bong Revilla, Francis Tolentino, Benhur Abalos, Camille Villar, at Imee Marcos.

MAKI-BALITA: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'

Ngunit kalaunan ay kumalas sa Alyansa ang kapatid ng pangulo na si Imee dahil sa kagustuhan umano niyang ipagpapatuloy ang pagiging independent.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas