May 08, 2025

Home FEATURES Trending

Reklamo ng isang ina sa guro: tinali na, tinapalan pa ng tape bibig ng anak niya?

Reklamo ng isang ina sa guro: tinali na, tinapalan pa ng tape bibig ng anak niya?
Photo courtesy: Screenshots from Shaney Pepito (FB)

Viral sa Facebook ang post ng isang nanay matapos niyang isalaysay ang umano'y karanasan ng kaniyang anak na babae sa kaniyang guro, na nasa kindergarten level pa lamang.

Batay sa Facebook post ni Shaney Pepito ng Bataan, masakit bilang magulang na marinig ang kuwento ng kaniyang anak, na aniya, ay tinali umano ng kaniyang naging teacher at nilagyan pa ng masking tape sa bibig.

At sa pagtatanong-tanong niya sa iba pang mga magulang, may ganito rin umanong karanasan ang kanilang mga anak sa nabanggit na private school. Ang iba nga raw ay nasa kolehiyo na ngayon, at hindi pa rin makalimutan ang umano'y "traumatic experience" sa nabanggit na paaralan.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, "GAANO KASAKIT SA MAGULANG MALAMAN YUNG GANITONG EXPERIENCE NG ANAK FROM SCHOOL?"

Trending

'Congrats, Engr. (Andres)³!' Pangalan ng board exam passer, kinaaliwan

"TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT, TRAUMA AND MENTAL HEALTH TALKS."

"Kaya pala araw araw nagwawala anak ko ayaw pumasok sa school, ayaw daw niya sa Teacher niya dahil may ganitong nangyayari pala."

"This is a confession from my daughter and her classmate 5 year old. A shocking revelation… A nightmare that I can’t get over."

"This happened in one of the PRIVATE PRESCHOOLS in LALAWIGAN SAMAL BATAAN (2024-2025)."

Batay pa sa post, ipinagbigay-alam na raw niya sa Department of Education (DepEd)-Balanga ang insidente.

"Awaiting for the response of DEPED BALANGA. Already talk to the BOARD OF DIRECTORS of the school but they were told (mahirap naman paniwalaan ang mga bata sa mga ganyang sinasabi)."

"To the Mommies who told me na sana nagpatawad nalang ako, hindi ko kaya hanggat hindi humihingi ng SORRY man lang yung mga teachers na gumawa nito sa anak ko, lahat tayo pinagkatiwala sa school yung mga anak natin pero hindi simpleng bagay to."

Tanong daw sa kaniya ng anak, "'Mommy yung Teacher ko ba sa grade 1 itatali din ako?' And that question cut deep!"

"Sorry anak naging busy si Mommy sa work hindi ko namalayan na ganyan na nangyayari sayo."

Kalakip ng post ang ilang videos kung saan maririnig ang pagkukuwento at pagmuwestra pa ng bata tungkol sa "pagtali" at "paglalagay ng masking tape" sa kaniyang bibig. Ibinahagi rin ng ina ang ilang screenshots ng pag-uusap nila ng guro at maging ng prinsipal.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Pepito, sinabi niyang nagkausap na raw sila ng prinsipal ng paaralan subalit napag-alaman niyang walang "termination" na naganap sa inirereklamong guro.

Napag-alaman din niyang matagal na rin umanong nangyayari ang ganoon, hindi lamang sa kaniyang anak, kundi sa umano'y iba pang naging estudyante ng paaralan.

Naipagbigay-alam na raw nila ang complaint nila sa DepEd.

Malaki raw ang naging epekto ng umano'y traumatic experience ng anak sa kaniyang naging guro.

"May series siya na pag madaling araw tulog biglang sisigaw, pag tinanong ko ano panaginip niya, si Teacher lang ang sasabihin. Pag alam niya na pupunta ako ibang bansa yung reaction niya ang term ko nga sa isip ko para siyang mababaliw pag di ako kasama," aniya.

Kaya naman pursigido si Pepito na magkaroon ng resolusyon at may managot sa karanasan ng kaniyang anak.

Ayon sa DepEd Order No. 40 series of 2012 o mas kilala bilang "DepEd Child Protection Policy," mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng "corporal punishment" sa mga mag-aaral o learners.

Sa Section 3-Definition of Terms na nasa letter O, mababasa sa bahagi ng corporal punishment, ikapitong bilang, na ipinagbabawal ang "tying up a child" o pagtatali sa bata. 

Nakipag-ugnayan ang Balita sa contact details ng private school upang hingin ang kanilang tugon, pagpapaunlak sa panayam, o ilalabas na opisyal na pahayag tungkol dito. 

"As of today we are not giving any statement regarding the viral issue because the allegedly incident is currently under investigation. Thank you for your kind understanding. God bless," tugon nila.