May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Alyansa para sa Bagong Pilipinas, 'di welcome sa BulSU

Alyansa para sa Bagong Pilipinas, 'di welcome sa BulSU
Photo Courtesy: Bulacan State University Student Government (FB)

Naghayag ng pagtutol ang Bulacan State University (BulSU) Student Government para ikasa ang press conference ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa loob ng pamantasan.

Sa isang Facebook post ng BulSU Student Government nitong Miyerkules, Mayo 7, sinabi nilang hindi raw welcome ang senatorial slate ng administrasyon sa BulSU.

Anila, “HINDI WELCOME ANG ALYANSA NI BBM SA BULACAN STATE UNIVERSITY. Hindi kailanman makakakuha ng boto sa mga kabataan ang grupong hindi pinapahalagahan ang kapakanan ng mga Iskolar ng bayan. 

“Hindi matatakpan ng mga bagong bihis ninyong kampanya ang kabalintunaan ng mga nakaraan ninyong pagtataksil sa mamamayan,” dugtong pa ng BulSU Student Government.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Kaya naman sinalubong nila ng protesta ang pagdating ng Alyansa sa pamantasan. Ngunit sa kabila ng pagtutol, natuloy pa rin ang press conference sa E-Library.

Nakatakdang isagawa ngayon ding araw, Mayo 7, ang campaign rally ng senatorial slate ng administrasyon sa Bulacan Sports Complex, Malolos City.