May 06, 2025

Home BALITA National

Procurement sa 'depektibong' bollards sa NAIA, paiimbestigahan ni PBBM

Procurement sa 'depektibong' bollards sa NAIA, paiimbestigahan ni PBBM
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)/MB File Photo/Screenshot from RTVM

Ipinahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na paiimbestigahan na ng Malacañang ang umano'y sub-standard na bollards sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, na nawasak matapos salpukin ng SUV na kumitil naman sa buhay ng dalawang indibidwal noong Linggo, Mayo 4.

Matatandaang isang 5-anyos na batang babae at anak ng OFW, at isang 29-anyos na lalaking pupunta lamang sa Dubai para sa isang business meeting ang mga nabanggit na nasawi sa nabanggit na aksidente.

Sa isinagawang press briefing, Martes, Mayo 6, sinabi ni Castro na ang nabanggit na bollards ay na-install sa NAIA noong 2019, sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at panahon ng pagiging kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Arthur Tugade.

"Nakakalungkot po, may mga nasawi, dahil sa diumano'y depektibo na bollards na na-install po sa NAIA Terminal 1. Ito po ay na-install sa panahon po ng dating administrasyon, at sa panahon po ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade," ani Castro.

National

Ombudsman, inatasan 5 gov’t officials na sagutin reklamo ni Sen. Imee ukol sa pag-aresto kay FPRRD

KAUGNAY NA BALITA: 'Depektibong' bollards sa NAIA na-install sa panahon ng dating admin—Castro

Ipinag-utos na raw ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang pagpapa-imbestiga sa procurement ng nabanggit na bollards, at posible ring palitan pa ang ibang natitira para mas matiyak pa ang kaligtasan ng mga tao.

"Ngayon po'y pinaiimbestigahan, ito po'y July 2019 nang ma-install ang mga ito. Pinaiimbestigahan na po papaano po ang naging procurement, pati 'yong specifications. Iyon po ay sa pag-uutos po ng Pangulo, at ito po ay tutugunan kaagad-agad ni Secretary Vince Dizon."

Bukod dito ay iinspeksyunin din ang bollards at mabilisang papalitan para sa kaligtasan ng nakararami.

BASAHIN: ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?