May 22, 2026

Home BALITA Eleksyon

Jimmy Bondoc sa suporta nina Kitty, Honeylet: ‘Full force na ang Dutertes sa pagbuhat sa’min!’

Jimmy Bondoc sa suporta nina Kitty, Honeylet: ‘Full force na ang Dutertes sa pagbuhat sa’min!’
Photo courtesy: Jimmy Bondoc/FB

Sinabi ni senatorial candidate Jimmy Bondoc na swerte ang kanilang grupong “Duter10” dahil “naka-full force” daw ang pamilya Duterte sa kanilang kandidatura matapos dumalo sa rally nila ang mag-inang Honeylet at Kitty Duterte nitong Linggo, Mayo 4.

Sa isang Facebook post, nagbahagi si Bondoc ng isang larawan kasama sina Honeylet at Kitty—mag-ina ni dating Pangulong Rodrigo Duterte—sa rally ng Duter10 sa Quezon City.

“Swerte ang DuterTEN dahil naka full force na ang Dutertes sa pagbuhat sa amin. May awa ang Diyos,” ani Bondoc.

Ang naturang pagtitipon ang unang rally ng Duter10 na dinaluhan nina Honeylet at Kitty, kung saan nagbigay ng mensahe ang bunso ni FPRRD upang hikayatin ang kanilang mga tagasuportang iboto ang sampung senatorial candidates.

Bukod dito, hinikayat din ni Kitty sa naturang talumpati ang mga botanteng pumili ng mga kandidatong “matino at matapat sa paglilingkod.”

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

MAKI-BALITA: ‘Pumili tayo ng matino at matapat sa paglilingkod’ —Kitty Duterte

Binubuo ang “Duter10” ng PDP senatorial candidates nina reelectionists Senador Bato dela Rosa at Bong Go, mga abogadong sina Jimmy Bondoc, Vic Rodriguez, JV Hinlo, Raul Lambino, Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, Pastor Apollo Quiboloy, Dr. Richard Mata, at dating aktor na si Philip Salvador.

Nakatakdang isagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.