April 28, 2025

Home BALITA

Kolumnistang naglathala ng umano’y ‘panunuhol sa impeachment’ laban kay VP Sara, kinasuhan ng NBI

Kolumnistang naglathala ng umano’y ‘panunuhol sa impeachment’ laban kay VP Sara, kinasuhan ng NBI
Photo courtesy: NBI and Pexels

Naghain ng reklamong cyber libel ang National Bureau of Investigation-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) laban sa isang kolumnistang nagpakalat umano ng malisyosong balita kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa mga ulat, nauwi sa pagsasampa ng reklamo ang NBI-CEVRO laban kay Rigoberto Tiglao matapos umanong ipakalat ng naturang koluminista ang isa raw walang basehang artikulong nagdidiin kay Cebu 5th District Representative Vincent “Duke” Frasco, kung saan nagkaroon umano ng panunuhol sa mga Kongresista upang ma-impeach sa House of Representatives si VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Listahan ng solons na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara

Isinampa ng NBI-CERVO ang reklamo laban sa nasabing kolumnista dahil sa paglabag umano nito sa Section 4 (c) ng Republic Act 10175 o cybercrime prevention act of 2012 at Article 355 ng Revised Penal Code, matapos ipakalat ang artikulong may pamagat na "Cebu Rep details how impeachment bribery worked."

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa panayam ng media kay NBI-CERVO Regional Director Atty. Rennan Oliva, iginiit niyang wala raw basehan ang nasabing artikulo.

"Yun ang claim ng subject, meaning it caused aspersion not only a complainant na si Congressman Frasco, pati buong House of Representatives at saya yung speaker of the House natin," ani Oliva.

Dagdag pa niya, "Eh sa mga posts n'ya wala naman siyang pinakita na ebidensya na nangyari yun. It's his claim only. Which under the law, meets the elements of the crime of libel."