Nagbigay ng paglilinaw si dating Vice Presidente Leni Robredo kaugnay sa pagpapakilala niya kay SAGIP Party-list Representative at senatorial candidate Rodante Marcoleta sa isang campaign gathering sa Naga City kamakailan.
MAKI-BALITA: Video ni Ex-VP Leni na ipinakilala si 'Senator Rodante Marcoleta,' usap-usapan
Sa isang komento ni Robredo sa Facebook post ay ipinaliwanag niyang matagal na umano ang video na kumalat kung saan ipinakilala niya si Marcoleta bilang senador.
Ani Robredo, “"There is so much more than meets the eye. Matagal na ito. About 3 weeks ago yata.”
“The one who posted is a propagandist of a Congressional candidate,” dugtong pa niya.
Matatandaang kamakailan lang ay binatikos si Robredo matapos niyang iendorso ang dalawang senatorial aspirant mula sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
KAUGNAY NA BALITA: Ex-VP Leni, inendorso si Manny Pacquiao: ‘Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan’
KAUGNAY NA BALITA: Benhur Abalos, nagpasalamat sa pag-endorso ni Leni Robredo