July 23, 2026

Home BALITA Eleksyon

Ex-VP Leni, inendorso si Manny Pacquiao: ‘Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan’

Ex-VP Leni, inendorso si Manny Pacquiao: ‘Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan’
(Contributed photo via MB)

Inendorso ni dating Vice President Leni Robredo si ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ senatorial bet Manny Pacquiao para sa 2025 midterm elections.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Abril 23, na inulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ni Pacquiao na sinamahan siya ni Robredo sa kaniyang house-to-house outreach activity sa Naga City, kung saan naman tumatakbo bilang alkalde.

Sa naturang aktibidad ay inilarawan ni Robredo si Pacquiao bilang isang “mabait” at “mapagkakatiwalaan.”

"Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan. We will always be behind Manny Pacquiao,” ani Robredo.

“Magkalaban na kami sa presidente tulong pa din si senator Pacquiao sa akin," saad pa niya.

Eleksyon

Baste Duterte, Leni Robredo, at Robin Padilla tabla sa unang pwesto sa Senate Preference Survey ng Arkipelago Analytics

Matatandaang naging magkalaban sina Robredo at Pacquiao sa kandidatura sa pagkapangulo noong 2022 national elections.

Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.