April 27, 2025

Home BALITA Eleksyon

Erwin Tulfo, binisita si ex-VP Leni: 'Set aside political colors'

Erwin Tulfo, binisita si ex-VP Leni: 'Set aside political colors'
Photo courtesy: Erwin Tulfo/FB

Binisita ni ACT-CIS Party-list Representative at senatorial aspirant Erwin Tulfo si dating Vice President Leni Robredo sa Naga City noong Sabado, Abril 26, 2025.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Linggo, Abril 27, bagama’t wala umanong kumpirmasyon kung pormal na inendorso ng dating Bise Presidente ang kandidatura ni Erwin, mainit umano ang pasasalamat ng kongresista sa naging pagtanggap sa kaniya sa tahanan ni Robredo.

“I believe that this is the best practice: Huwag ka tumingin sa kulay. Kasi kapag tumingin ka sa kulay, walang mangyayari, kawawa, may maiiwan. Kailangan, tingnan mo ang lahat,” ani Tulfo.

Dagdag pa niya, “At the end of the day, we are all Filipinos, so we need to set aside political colors.”

Eleksyon

Sen Imee, galit kay 'Lulong'

Binalikan din umano ni Robredo ang naging pagtulong sa kaniya ni Tulfo noong ito ay kalihim pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na malaki raw ang itinulong sa Angat Buhay Foundation.

“Noong secretary pa siya ng DSWD, napakalaking tulong niya sa Angat Buhay. In fact, nabisita ko siya sa opisina niya sa DSWD, maganda yung synergy ng Angat Buhay sa DSWD kasi kami ‘di ba, anti-poverty rin,” anio Robredo.

Matatandaang kamakailan lang nang gumawa ng ingay ang pag-endorso ni Robredo sa dalawa pang kaalyado ni Tulfo mual sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na sina dating Interior Secretary Benhur Abalos at dating Senador Manny Pacquiao.

KAUGNAY NA BALITA: Benhur Abalos, nagpasalamat sa pag-endorso ni Leni Robredo

KAUGNAY NA BALITA: Ex-VP Leni, inendorso si Manny Pacquiao: ‘Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan’