April 25, 2025

Home BALITA National

PBBM, kinilala 3 Pinay na nakarating na sa lahat ng 193 mga bansa sa buong mundo

PBBM, kinilala 3 Pinay na nakarating na sa lahat ng 193 mga bansa sa buong mundo
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Nakadaupang-palad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tatlong Pinay travelers na nakarating na sa lahat ng 193 United Nations-member countries sa buong mundo.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Abril 25, ipinakita ni Marcos ang ilang mga larawan niya kasama ang Pinay travelers na sina Odette Ricasa, Luisa Yu, at Kach Medina Umandap.

Si Ricasa ang unang United States (US)-based Filipino na nakarating ng 193 mga bansa; si Yu naman ang pinakamatanda sa tatlo na may edad 79; habang si Umandap ang pinakabata at unang Pinoy na nakakumpleto ng paglalakbay gamit lamang ang kaniyang Philippine passport.

“Nakilala ko ang tatlo sa mga Pilipinong pinakamaraming napuntahang bansa, at tinanggap ang : - ni Donalito Bales Jr.,” ani Marcos.

National

Palasyo, nagbabala sa fake news tungkol sa ₱20 na bigas: 'Mag-ingat sa fake news peddlers'

Ibinahagi rin ng pangulo ang ilang sa mga napagkuwentuhan nila ng tatlong Pilipina, tulad ng pagtanong niya sa mga ito kung mayroon bang bansa na wala pang Pilipino.

“Ang sagot nila: wala,” saad ni Marcos. “Sa bawat sulok ng mundo, nandoon ang Pilipino—nag-aambag, nagtatagumpay at taas-noong kinakatawan ang ating bansa.”

Matatandaang kamakailan lamang ay naitampok na ng Balita si Umandap, kung saan ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan sa pagtungtong sa iba’t ibang mga bansa at maging ang kaniyang payo sa mga future traveler.

BASAHIN: Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

BASAHIN: Ang mensahe ni Kach Umandap sa kababaihang nais libutin ang buong mundo ngayong Women's Month