April 25, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal
contributed photos

Tila ikinatuwa ng mga tao sa campaign caucus ni Manila Mayoral bet Isko Moreno Domagoso ang biro ni Vice President Sara Duterte.

Dumalo si Duterte sa campaign caucus ni Domagoso at ng slate nito sa Tondo sa Maynila nitong Huwebes, Abril 24. 

Bago ikampanya ang senatorial slate ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng PDP-Laban, tinanggal muna ng bise presidente ang seal ng Office of the Vice President (OVP) sa harapan ng lectern niya habang nagsasalita, at saka nagbiro na palitan daw ng seal ng Office of the President (OP).

"Ang susunod po, mangangampanya po ako sa inyong lahat. Sandali lang, tanggalin ko lang po 'yong seal ng aking opisina. Ah oh, palitan natin ng seal ng Office of the President," biro ni Duterte na dahilan ng pagsigaw ng mga tao sa caucus ng "Duterte! Duterte!"

Eleksyon

‘Di nila deserve!’ Espiritu, kinuwestiyon pag-endorso ni Ex-VP Leni kina Pacquiao, Abalos

Giit pa niya, "Tinanggal ko lang kasi iba 'yong opisina, iba rin 'yong pangangampanya."

"Pero kung sa pangulo lang pumili lang kayo si Isko Moreno o si Sara Duterte. Wala kaming problema."

Umapir pa nga si Senator Imee Marcos sa kaniya na present din sa caucus upang mangampanya.

Matatandaang noong Marso habang nasa The Hague, Netherlands si Duterte, hindi naging malinaw ang sagot niya kung may balak ba siyang tumakbong pangulo sa 2028.

BASAHIN: VP Sara kung tatakbong pangulo sa 2028: 'Do we still have a country by 2028?'

Ngunit noong Pebrero nang muling sabihin ng bise na kinokonsidera na talaga niyang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2028 dahil “napag-iiwanan na ang Pilipinas, at ayaw natin yun.”

BASAHIN:  VP Sara, 'seriously considering' nang tumakbong pangulo sa 2028: 'Napag-iiwanan na ang PH!'