May katanungan si P3PWD party-list first nominee Atty. Rowena Guanzon sa publiko hinggil sa “cancel culture” matapos iendorso ni dating Vice President Leni Robredo ang senatorial bet ng ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ na si Manny Pacquiao.
Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Abril 24, ibinahagi ni Guanzon ang ulat ng Manila Bulletin hinggil sa nangyaring house-to-house outreach activity sa Naga City nitong Miyerkules, Abril 23, kung saan inendorso ni Robredo si Pacquiao.
MAKI-BALITA: Ex-VP Leni, inendorso si Manny Pacquiao: ‘Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan’
“So icacancel niyo na niyan si Mayor Leni o selective lang kayo?” saad ni Guanzon.
Ang naturang mensahe ni Guanzon ay matapos siyang maging usap-usapan at “i-cancel” daw noong Marso dahil sa larawan niya kasama si PDP-Laban senatorial bet Jimmy Bondoc.
MAKI-BALITA: Pic ni Jimmy Bondoc kasama si Rowena Guanzon, umani ng reaksiyon
Matapos mag-viral ang naturang larawan, kung saan ipinaliwanag ni Guanzon na aksidenteng pagkikita lamang iyon sa isang restaurant, pinalagan ng dating Comelec commissioner ang "pag-cancel" daw sa kaniya.
MAKI-BALITA: Guanzon sa cancel culture: 'Di pa kayo nadala nung 2022 saan tayo pinulot'