April 24, 2025

Home BALITA Eleksyon

‘Di nila deserve!’ Espiritu, kinuwestiyon pag-endorso ni Ex-VP Leni kina Pacquiao, Abalos

‘Di nila deserve!’ Espiritu, kinuwestiyon pag-endorso ni Ex-VP Leni kina Pacquiao, Abalos
(Balita file photo; contributed photo via MB)

Kinuwestiyon ni labor-leader at senatorial candidate Luke Espiritu ang naging pag-endorso ni dating Vice President Leni Robredo kina ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ senatorial candidates Manny Pacquiao at Benhur Abalos.

“Bakit? Bakit sila ang may public declaration of support?” pagkuwestiyon ni Espiritu sa isang pahayag nitong Huwebes, Abril 24.

Binanggit din ni Espiritu ang hindi opisyal na pag-endorso ni Robredo sa kaniya kahit pa mayorya raw sa mga sumusuporta sa kaniyang kandidatura ay mga tagasuporta ng dating bise presidente.

“Ako nga ok lang na wala eh kahit na ang mayorya ng susuporta sa akin ay supporter ninyo,” saad ni Espiritu.

Eleksyon

Mayoral bets Isko, Versoza, Malapitan at 6 iba pa, hahainan ng show cause order dahil sa umano’y vote-buying

“Pero sana walang mas mataas na privilege ang dalawang 'to. Di nila deserve,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Miyerkules, Abril 23, nang iendorso ni Robredo sina Pacquiao at Abalos sa Naga City.

MAKI-BALITA: Ex-VP Leni, inendorso rin si Benhur Abalos

MAKI-BALITA: Ex-VP Leni, inendorso si Manny Pacquiao: ‘Siya ay mabait, mapagkakatiwalaan’

Parehong kasama sina Pacquiao at Abalos sa senatorial slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakalaban ni Robredo noong 2022 national elections.

Inaasahan namang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.