April 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec Task Force, naghain ng disqualification case laban kay Pasig congressional bet Christian Sia

Comelec Task Force, naghain ng disqualification case laban kay Pasig congressional bet Christian Sia
Photo courtesy: Christian Sia/FB at MB File photo

Naghain ng disqualification case ang Commission on Elections (Comelec) Task Force SAFE laban kay Pasig City aspiring congressman Atty. Christian Sia, kaugnay sa kaniyang naging kontrobersyal na pahayag tungkol sa mga single mom sa naturang lugar.

KAUGNAY NA BALITA: Joke ng Pasig candidate tungkol sa single moms, di nakakatuwa—DSWD Sec. Gatchalian

Pinangunahan ni Comelec Task Force SAFE head Bea Wee-Lozada ang paghahain ng nasabing petisyon upang idiskwalipika si Sia nitong Miyerkules, Abril 16, 2025. 

Bunsod nito, si Sia na ang kauna-unahang kandidatong nakaambang mahatulan sa kaniyang kampanya dulot ng umano’y naging paglabag niya sa anti-discrimination at anti-sexist jokes.

Eleksyon

'ITIM' campaign ad nina Sen. Imee at VP Sara, kinontra ng PNP; crime rate sa bansa, bumaba!

Matatandaang nauna nang humingi ng tawad si Sia sa kaniyang naging pahayag at iginiit na parte raw ito ng kaniyang freedom of speech.

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Ian Sia, walang intensyong bastusin mga single mom; bahagi raw ito ng 'freedom of speech' niya