Hindi natuwa si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa biro ng tumatakbong kongresista sa Pasig City na si Atty. Christian "Ian" Sia tungkol sa mga solo parent na babae sa naturang lungsod.
Kumakalat ngayon sa social media ang video ni Sia kung saan tila nagbiro siya tungkol sa solo parents na "nireregla" pa na tila naganap habang nangangampanya sila sa Pasig.
Hirit na joke niya, "Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae, na nireregla pa, malinaw nireregla pa, at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwede pong sumiping sa akin."
Giit pa ng tumatakbong solon, "'Yon hong interesado magpalista na ho rito sa mesa sa gilid."
Sa isang Facebook post ni Gatchalian noong Huwebes, Abril 3, bagama't naiintindihan niya kung gaano kahirap na kunin ang atensyon ng mga botante sa mga caucus, sinabi niyang hindi dapat gamitin sa biro ang "vulnerable, poor, and marginalized sectors."
"... I know how hard it is to keep voters’ attention—especially in this sweltering heat.But using our vulnerable, poor, and marginalized sectors as the butt of jokes is not the way to go. Let’s not underestimate voters," anang DSWD secretary.
Giit pa niya, "They may laugh, but that doesn’t mean they’ll vote for you. Engage them by telling them what you will do for them, rather than making them the punchline of your jokes. Hindi dahil natatawa sila ay ibig sabihin iboboto nila tayo."
Binigyang-diin din ni Gatchalian ang pinagdadaanan ng mga solo parent.
"Solo parents are real-life heroes who put food on the table against all odds. They raise their children alone through sheer sacrifice. Let’s not marginalize them further."
At bilang DSWD secretary, "I simply do not find this funny."
Samantala, tila sang-ayon si reelectionist Pasig City Mayor Vico Sotto sa naturang post ni Gatchalian dahil nag-react siya rito.
KAUGNAY NA BALITA: Ara Mina, trending dahil sa reaksiyon sa hirit na joke ng kumakandidatong solon