Sumagot na si Pasig City Congressional candidate Atty. Christian "Ian" Sia sa show cause order ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa kaniyang pahayag tungkol sa mga single mom.
Matatandaang kumalat sa social media ang isang video ni Sia kung saan nagbiro siya tungkol sa mga solo parent na babae.
"Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae, na nireregla pa, malinaw nireregla pa, at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwede pong sumiping sa akin."
Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Abril 9, nanindigan si Sia na wala siyang intensyon na bastusin ang mga single mom at wala siyang nilabag na batas.
"Even assuming without conceding that Resolution No. 1116 is valid, I did not violate the same when I uttered the statements on or about 03 April 2025," ani Sia.
"While the language and tone were indeed conversational with the use of everyday banter one would expect from ordinary people, my statements were not made to discriminate, exclude, restrict, demean or harass female solo parents. My statements were not uttered to restrict or deprive female solo parents of their fundamental human rights and freedoms," dagdag pa niya.
Nanindigan din si Sia na ito ay bahagi pa rin ng kaniyang "freedom of speech."
"My campaign events are my way of conversing with my constituents. While the words may sound brash, my speech, in its entirety, fall[s] within my freedom of speech."
Samantala, pinagpapaliwanag ulit ng Comelec si Sia dahil naman sa kaniyang pahayag tungkol sa "physical appearance" ng kaniyang babaeng assistant.