Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ang index crime sa Metro Manila sa unang 93 araw ng 2025 mula Enero 1 hanggang Abril 4, 2025.
Ayon sa NCRPO, tinatayang nasa 23.63% ang ibinaba ng nasabing index crime.
Nakasaad din umano sa Crime Incident Recording and Analysis (CIRA) system na mula sa 1,710 naitalang mga krimen sa kaparehong panahon noong 2024, ay nakapagtala na lamang umano ito ng 1,305 ngayong 2025.
Paalala naman ni Regional Director PMGEN Anthony Aberin sa kaniyang mga unit commander na dapat ay maramdaman din ang kaligtasan at seguridad, kasunod ng pagbaba ng naitatala nilang krimen.
"With the consistent decline of crime occurrence in Metro Manila, my instruction to unit commanders is to ensure that the reduction of crime should translate to the safety and security of our constituents," ani Aberin.
Dagdag pa niya, "Let us continue to establish confidence in our peace and order situation by flooding the streets with the competent police officers, intensify anti-crime strategies and establish a strong and consistent partnership with community members."