Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, ang naganap na campaign rally ng partidong "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas" senatorial slate ng kaniyang administrasyon sa Antipolo, Rizal noong Biyernes, Abril 4, 2025.
Kalakip sa Facebook post ng pangulo ang mga larawan ng nabanggit na sortie at pagdalo ng kaniyang senatorial candidates.
Nilinaw naman ng Pangulo ang tatlong tiyak na layunin ng Alyansa.
"Malinaw ang layunin ng Alyansa. Mga batas na makabuluhan, serbisyong maaasahan, at kinabukasang mas magaan para sa bawat Pilipino," pahayag ni PBBM.
Makikita sa larawan na itinaas niya ang mga kamay nina Sen. Francis Tolentino, Sen. Lito Lapid, Sen. Pia Cayetano, House Deputy Speaker, Las Piñas City, Lone District Rep. Camille Villar, dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos, Sen. Bong Revilla, re-electionists na sina dating Sen. Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto III, at dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Erwin Tulfo.
Hindi naman nakita sa nabanggit na larawan ang "Pambansang Kamao" at re-electionist na si Manny Pacquiao.
Matatandaang ang kapatid naman ng Pangulo na si Sen. Imee Marcos ay umalis na sa nabanggit na partido.