April 05, 2025

Home BALITA Eleksyon

Angelu De Leon, binanatan si Atty. Ian Sia: 'Bawal ang bastos sa Pasig!'

Angelu De Leon, binanatan si Atty. Ian Sia: 'Bawal ang bastos sa Pasig!'
Photo courtesy: Angelu De Leon, Atty. Ian Sia (FB)

Sinita ng reelectionist sa pagka-councilor ng Pasig City at aktres na si Angelu De Leon ang tumatakbong kongresista ng nabanggit na lungsod na si Atty. Christina "Ian" Sia matapos ang kontrobersiyal niyang biro para sa mga solo mom na nireregla pa, sa isa sa mga pangangampanya nila.

Damay pa rito ang aktres at tumatakbo sa pagkakonsehal na si Ara Mina, dahil hindi nagustuhan ng mga netizen ang reaksiyon niya sa binitiwang joke ng abogado-kandidato.

Hirit na joke ni Atty. Sia na mapapanood sa 23-second video clip, "Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae, na nireregla pa, malinaw nireregla pa, at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwede pong sumiping sa akin."

Maririnig naman sa video ang tawanan ng mga nakikinig bagama't hindi na sila makikita rito.

Eleksyon

Ilang election paraphernalia ng Comelec, inilagak sa isang bahay sa Davao City

Sa likod, makikitang napa-react si Ara subalit hindi lubusang nakita ang kaniyang bibig dahil natatakpan ito ng tissue paper. Pero batay sa mga espekulasyon at interpretasyon ng mga netizen na sumita sa kaniya, "natawa" ang aktres sa biro.

MAKI-BALITA: Ara Mina, trending dahil sa reaksiyon sa hirit na joke ng kumakandidatong solon

Giit pa ng tumatakbong solon, "'Yon hong interesado magpalista na ho rito sa mesa sa gilid."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, kinondena ng iba't ibang grupo gaya ng Gabriela, at maging ang Commission on Elections (Comelec) ay naglabas pa ng show cause order para sa kaniya para pagpaliwanagin, o kung hindi umano sisipot, ay posibleng madisqualify siya sa kaniyang kandidatura.

MAKI-BALITA: Joke ng Pasig candidate tungkol sa single moms, di nakakatuwa—DSWD Sec. Gatchalian

MAKI-BALITA: Atty. Ian Sia, maaaring patawan ng election offense o disqualification

Binanatan naman ni Angelu ang tumatakbong kongresista na nasa tiket ni Sarah Discaya, ang kalaban sa pagkaalkalde ng Pasig, ni incumbent mayor Vico Sotto. Si Angelu ay nasa partido naman ni Mayor Vico.

Mababasa sa Facebook post ni Angelu, "BAWAL ANG BASTOS SA PASIG!"

"Nakakagalit na sa katatapos lang ng buwan ng kababaihan, at ngayong buwan ng Abril kung kailan pambansang ipinagdiriwang at kinikilala ang ating mga solo parents, makakarinig tayo ng nakakabastos at nakakadiring pahayag sa mga babaeng solo parent sa isang pampublikong event — na nagmula pa mismo sa isang abogadong kumakandito para kongreso..."

"Bilang kasalukuyang Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parent Affairs ng Sanggunian Panlungsod ng Pasig, at bilang isang babaeng minsan din naging isang solo parent, nararamdaman ko ang labis na inis at pagkadismaya ng kababaihan at mga solo parent sa mga pahayag na ito. Ang ganitong uri ng mga salita ay hindi lamang nakakainsulto sa mga kababaihan, kundi pati na rin sa ating lipunan."

"Ang pagkakaroon ng respeto at dignidad para sa iba, anuman ang kasarian o estado sa buhay, ay isang mahalagang prinsipyo na dapat isinusulong ng bawa’t isa , at mas lalo na sa mga nagnanais maglingkod sa ating pamahalaan at sa mga Pasigueño.

Uulitin ko, BAWAL ANG BASTOS SA PASIG!" aniya pa.

Samantala, nagpaliwanag naman si Sia at humingi ng paumanhin sa mga nasaling sa kaniyang biro.

"Wag po kayo magalit sa'kin, magalit po kayo sa gumawa ng video... ang nakita lang sa video 'yong sinabi, pero 'yong reaksiyon ng tao, hindi nakita na tumawa, 'yon lang ang purpose ng joke," aniya.

Ginawa lamang aniya ang biro para makuha ang atensyon ng mga tagapakinig.

"Pag nagsasalita ako, tipikal mahaba na [dahil] nakapagsalita na lahat [sa slate] so 'yong mga tao naiinip, na ayaw na makinig, so ginugulat ko lang ng joke so 'yong atensyon napupukaw."

"Ngunit ako ay nakasakit sa aking sinabi, humihingi po ako ng taos-pusong dispensa," aniya pa.

Sa isa pang idinaos na press conference ay humingi ng paumanhin si Sia sa single mothers na nasaktan o hindi nagustuhan ang kaniyang binitiwang biro. 

"Inaako ko po ang responsibilidad sa mga nabitawan kong salita. I’m sorry po na lumabis ang aking mga salita at mali po ang napili kong biro para magpatawa sa isang political caucus,” aniya.

“Now I better understand the phrase that the road to hell is paved with good intentions. Hindi po sapat na mabuti ang ating intensyon, importante din po ang epekto ng ating mga salita lalo na ang ating mga gawa."

“Sana po ay magsilbing aral din po sa lahat ng public figures na maituturing — whether national or local — na timbanging maigi ang ating pagsasalita,” aniya pa.

MAKI-BALITA: Atty. Ian Sia, sinisi ang uploader ng viral video; di raw pinakita pagtawa ng mga tao