May 18, 2025

Home BALITA National

VP Sara, tinawag na 'lason' ang graft and corruption: ‘It needs to be cut!’

VP Sara, tinawag na 'lason' ang graft and corruption: ‘It needs to be cut!’
Vice President Sara Duterte (Ellson Quismorio/ MANILA BULLETIN/FILE)

Tinawag ni Vice President Sara Duterte na “lason” ang graft and corruption, at iginiit na dapat na itong maalis na sa bansa.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa The Hague, Netherlands na inilabas ng News5 nitong Biyernes, Abril 4, tinanong si Duterte kung ano ang masasabi niya sa “graft and corruption” sa Pilipinas kung ikukumpara sa Netherlands.

Anang bise, hindi pa siya naka-access ng social services sa The Netherlands kaya’t hindi raw niya alam kung paano ito gumagana sa naturang bansa, ngunit sinabi niyang mataas ang graft and corruption index sa Pilipinas.

“Speaking of graft and corruption, it is really what you would call poison for a country. And in the graft and corruption index, we are high up there. The Philippines is high up there. We need to do something about it,” ani Duterte.

National

Manny Villar sa anak na si Sen. Camille Villar: 'I'm beyond proud of you!'

Binanggit din ng bise ang naranasan umano niyang korapsyon bago siya magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), kung saan iginiit niyang dawit dito ang mga miyembro ng House of Representatives.

“By my personal experience, the budget of the Department of Education, the school building program, the new construction, everything is divided among members of the House of Representatives. And they are not even implementers of projects. That is the job of the executive department. That is the job of the Department of Education,” giit niya.

MAKI-BALITA: VP Sara, iginiit na hinati umano para sa House members budget ng DepEd noong termino niya

Kaugnay nito, sinabi ni Duterte na marami pa umanong mga insidente ng graft and corruption sa loob ng mga departamento sa pamahalaan ng Pilipinas. 

“I'm sure there are a lot of other incidents inside the departments in the government where there is graft and corruption,” ani Duterte.

“So it's poison to a country and it needs to be cut. It needs to be taken out so that the money of our resources are put to good use,” saad pa niya.

Matatandaang noong Setyembre 2024 nang ipahayag ni Duterte na kaya raw siya nagbitiw bilang kalihim ng DepEd ng Hunyo 2024 ay dahil kinuha umano nina House Speaker Martin Romualdez at Appropriations Chair Zaldy Co ang budget na nakalaan para sa ahensya.

MAKI-BALITA: VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya

Agad namang pinalagan ni Co ang nasabing pahayag ni Duterte at tinawag itong “pambubudol.”

MAKI-BALITA: Zaldy Co, pumalag sa bintang ni VP Sara: 'Pambubudol na naman po 'yan!'

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng Kamara ang confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at maging ng DepEd noong si Duterte pa lamang ang kalihim ng ahensya.

Nito lamang Marso 2025 nang ilabas ng Kamara ang iba pang listahan ng mga kaduda-dudang pangalan na tumanggap umano ng confidential funds ni Duterte, kabilang na ang binansagang “Team Grocery” na sina “Beverly Claire Pampano,” “Mico Harina,” “Patty Ting,” “Ralph Josh Bacon,” at “Sala Casim.”

MAKI-BALITA: Confidential fund misuse sa ilalim ni VP Sara, posibleng umabot sa ₱612.5M – House panel

Kasalukuyan namang nasa The Hague si Duterte para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakadetine sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong “crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD