Iginiit ni Pasig City congressional candiate Atty. Ian Sia na huwag daw magalit sa kaniya ang mga tao bagkus doon sa nag-upload ng viral video dahil hindi raw ipinakita na tumawa ang mga tao sa kaniyang "joke."
"Wag po kayo magalit sakin, magalit po kayo sa gumawa ng video. Kasama ko ang mga konsehal, nagjo-joke po ako... Kung mayroon akong maling sinasabi, automatic sasabihin po ng mga kasama ko. Ang nakita lang sa video yung sinabi pero yung reaksyon ng tao, hindi nakita na tumawa, yun lang ang purpose nung joke," saad ni Sia nitong Biyernes, Abril 4.
Paliwanag ni Sia, pinupukaw lang daw niya ang atensyon ng mga tao sa caucus kung kaya't ginugulat niya raw ng joke.
"'Pag nagsasalita ako, tipikal na mahaba na [dahil] nakapagsalita na lahat [sa slate] so yung mga tao naiinip, na ayaw na makinig, so ginugulat ko lang ng joke para po yung atensyon napupukaw para maintindihan ang kailangan nating ipaliwanag," dagdag pa niya.
Humingi naman ng "taos-pusong" dispensa ang kandidato sa pagka-congressman.
"Ngunit ako ay nakasakit sa aking sinabi, humihingi po ako ng taos-pusong dispensa," saad pa ni Sia.
Matatandaang kumalat sa social media ang isang video ni Sia kung saan nagbiro siya tungkol sa mga solo parent na babae.
"Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae, na nireregla pa, malinaw nireregla pa, at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwede pong sumiping sa akin."
Samantala, pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) si Sia dahil sa naturang joke.
BASAHIN: Atty. Ian Sia, maaaring patawan ng election offense o disqualification