March 31, 2025

Home BALITA

Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’

Roque, napahagulgol sa asylum application: ‘Wala nang tago-tago!’
Photo courtesy: screengrab from One News

Tahasang inihayag ni dating presidential spokesperson na mananatili umano siya sa Netherlands habang inaantay ang kaniyang asylum application, matapos magtago ng ilang buwan sa Pilipinas matapos siyang ipaaresto ng House of Representatives. 

KAUGNAY NA BALITA: Roque, naghain na ng asylum; 'Di na raw siya pwedeng pabalikin sa 'Pinas

Sa panayam ng media kay Roque sa The Hague noong Biyernes, Marso 28, 2025, sinabi niyang aabutin umano ng isa't kalahating taon ang kaniyang aplikasyon sa asylum sa nasabing bansa. 

“Hindi na ako mapapa-deport pabalik ng Pilipinas hanggang hindi matapos ang aking aplikasyon. Ang process ng application it takes about 1.5 years,” ani Roque.

National

Gloria Arroyo, inilahad pinagdadanan ng kaniyang pamilya: ‘Please pray for my family’

Ibinahagi rin ni Roque na napahagulgol daw siya sa pagpirma ng kaniyang asylum matapos umano ang halos kalahating taong pagtatago sa Pilipinas. 

“Dito na muna ako. Wala nang tago-tago. Kaya nga nung pumirma ako ng aking asylum application napaluha talaga ako. Napahagulgol. Kasi sabi ko 'first time in a six and a half month hindi na ako nagtatago sa mga bangag," ani Roque. 

Matatandaang nagtago si Roque nang maglabas ng utos ang Kamara na ipaaresto siya matapos ang hindi pagsipot sa imbestigasyon ng Quad Committee sa pagkakaugnay niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

KAUGNAY NA BALITA: 'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas