Nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si House Speaker Martin Romualdez kay Pinay tennis player Alex Eala matapos siyang makapasok sa semifinals ng Miami Opens noong Biyernes, Marso 28, 2025.
Sa kaniyang Facebook account, sinabi ni Romualdez na pinatunayan umano ni Eala ang galing ng isang atletang Pinay.
"Muli mong pinatunayan ang galing, husay at puso ng isang #AtletangPilipina. Maraming salamat sa karangalang hinatid mo sa ating bansa at sa ating mga kababayan. Mabuhay ka!" ani Romualdez.
Matatandaang gumawa ng ingay si Eala matapos niyang pataobin ang ilang world champions na sina Jelena Ostapenko na dating French Open Champion at world No. 25 at reigning Australian champion at world No. 5 na si Madison Keys.
Habang noong Huwebes, Marso 27, nang talunin niya ang world No.2 at 5-time grand slam champion na si Iga Swiatek.
KAUGNAY NA BALITA: 19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2
Bagama't bigong makapasok sa finals round ng naturang torneo, nagawa pa niyang makakuha ng isang set kay World no. 4 Jessica Pegula sa semi-finals round.
Kaugnay nito, bumati rin si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kaniyang naging kampanya sa Miami Open.
KAUGNAY NA BALITA: ‘An inspiration to everyone!’ PBBM, binati si tennis phenomenon Alex Eala