Viral ang Facebook post ng isang netizen matapos niyang isiwalat ang umano'y nakaka-traumang karanasan ng kaniyang pamangkin sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kamakailan, matapos harangin ang flight niya dahil nahulihan daw ng bala ng baril sa bagahe.
Noong Marso 26, isinalaysay ni Pat Dalia ang karanasan ng kaniyang pamangkin noong Marso 24 habang nasa airport, na patungo na sana sa ibang bansa upang maghanapbuhay. Ang pangarap daw na matulungan ang kaniyang pamilya ay tila biglang naglaho nang harangin daw ang pamangkin matapos umanong makitaan ng bala sa isa sa mga dala-dalang luggage. Sa palagay ni Pat, nabiktima ang pamangkin ng "Tanim-Bala Scheme."
"On March 24, 2025, my nephew, a bright and innocent young man, embarked on what was supposed to be a life-changing journey from Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 in Manila, Philippines. He held in his heart the hope of traveling abroad to support his mother after the tragic loss of his father to illness a few years ago. This trip represented a new beginning, a chance to uplift his family during a time of profound grief," mababasa sa kaniyang post.
"However, his dreams were shattered when he became a victim of the notorious Tanim Bala scheme. Instead of boarding his flight with excitement, he was wrongfully accused of carrying a bullet in his luggage—a cruel act perpetrated by ruthless individuals exploiting a broken system. What should have been a moment of pride and anticipation turned into an overwhelming nightmare, leaving my nephew traumatized and devastated."
Ayon pa kay Pat, ito raw sana ang unang paglabas sa bansa ng pamangkin, at sa ganitong traumatic na paraan pa ang naranasan niya sa airport pa lamang. Punumpuno pa naman daw ng pangarap para sa panibagong buhay ang kaniyang pamangkin, para nga sa kaniyang ina, matapos ang pagpanaw ng kaniyang ama. Hindi raw akalain ni Pat na mararanasan ng kaniyang pamangkin ang pinag-uusapang "Tanim-Bala" na para sa kaniya ay isang malaking isyu ng korupsyon sa bansa.
"This was his first trip abroad, filled with hope and aspirations, but those dreams were extinguished in an instant. The emotional scars he now carries are a stark reminder of the dangers that innocent travelers face in our country. My nephew’s experience is not just an isolated incident; it reflects a larger issue of corruption and abuse that affects countless lives."
Kaya naman panawagan ni Pat, "We must shine a light on the Tanim Bala scandal and advocate for justice. No one should have to endure the fear and trauma that my nephew faced simply for seeking a better future for his family. It is crucial that we raise our voices against this injustice, demanding accountability and reform to protect travelers from such heinous acts."
"Let us come together to support those who have been victimized and to ensure that no one else has to experience the pain and humiliation that my nephew endured. Together, we can work toward a future where hope is not overshadowed by fear and where every journey can be taken without the threat of exploitation."
Dagdag pa niya, "Please help us raise awareness about this critical issue, so that we can create a safer and more just environment for all travelers."
Sa isa pang Facebook post, iginiit ni Pat na inosente ang kaniyang pamangkin at hindi totoo ang ibinibintang sa kaniya.
"As a family, we stand united in our support for him, firmly believing in his innocence. Our hearts ache as we observe his fight for justice in a world that often rushes to judgment without all the facts."
"We hold onto the hope that the truth will come to light and that my nephew will be exonerated. Our plea is for a fair and thorough investigation, conducted with integrity. We implore those in positions of authority to seek the truth and ensure that right justice is served."
"During this difficult time, we humbly ask for your support, prayers, and understanding as we navigate this challenging ordeal. Let us join forces to advocate for justice and work towards preventing any innocent individual from suffering the repercussions of false accusations," aniya.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Pat, sinabi niyang nasa kustodiya pa rin ng NAIA ang pamangkin at nakasailalim pa umano sa masusing imbestigasyon, at naghihintay pa raw sa desisyon ng fiscal. Siya naman ay nakabase sa United Kingdom kaya naman idinaan niya sa post ang lahat upang magkaroon ng awareness ang lahat na muli na naman umanong nagbabalik ang Tanim-Bala sa airport.
Kuwento pa ni Pat, pupunta sana sa Cayman Islands, isang British-Overseas Territory, ang kaniyang pamangkin upang maghanap ng trabaho roon, subalit dahil nga sa nangyari ay hindi ito nakalipad.
Samantala, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng isyu tungkol sa Tanim-Bala sa airport. Matatandaang kamakailan lamang, inireklamo ng isang mag-ina ang ilang airport personal sa NAIA Terminal 1 matapos daw silang harangin at sabihang may nakitang "anting-anting" sa maleta ng senior citizen, subalit nang hagilapin na ito, ay wala naman silang natagpuan. Inireklamo ng mag-ina ang mga nabanggit na personnel na hindi man lamang daw humingi ng dispensa sa kanila.
KAUGNAY NA BALITA: 69-anyos na babaeng pasahero, nakaranas umano ng 'laglag-bala' sa airport
KAUGNAY NA BALITA: Hindi nag-sorry? Mag-inang nakaranas ng 'laglag-bala,' parang tinratong basura
Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tinanggal na sa trabaho ang mga nabanggit na personnel.
KAUGNAY NA BALITA: Mga airport personnel na sangkot sa 'laglag-bala,' sinibak sa trabaho!
Nakipag-ugnayan ang Balita sa Manila International Airport Authority/New NAIA Infra Corporation upang hingin ang kanilang panig tungkol sa isyu, subalit wala pa silang tugon, reaksiyon, o opisyal na pahayag tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.