March 31, 2025

Home BALITA Probinsya

Aso sa Masbate, pinalo sa ulo hanggang mamatay–‘for the content’ lang?

Aso sa Masbate, pinalo sa ulo hanggang mamatay–‘for the content’ lang?
Photo courtesy: Animal Welfare Investigation Project/Facebook

Namatay ang isang aso mula sa Masbate matapos itong makailang ulit na paluin ng kahoy sa ulo habang nakatali, para umano sa video content sa social media. 

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, sa pamamagitan umano ng animal welfare group na Animal Welfare Investigation Project, natunton ng mga awtoridad ang lalaking nakuhanan ng video na siyang humahataw sa aso. 

“I think it was more for content, and they were trying to mislead kasi yung mga nakapanood dahil yung nag-post ng video, yung address niya kunyari is from Tagum, Davao del Norte,” ani Greg Quimbo—regional director ng Animal Welfare Investigation Project sa media.

Depensa naman ng lalaki sa video, nagawa umano niyang paluin ang aso dahil madalas daw itong manghabol at mangagat. 

Probinsya

Hinihinalang adik, umatake sa ilang bahay sa Cebu; maglola patay, 3 sugatan

Nahaharap ang lalaki sa reklamong paglabag sa animal welfare act at maaari umano siyang makulong ng hanggang anim na buwan hanggang dalawang taon at may multang ₱100,000.

Samantala, patuloy namang pinaghahahanap ng mga awtoridad ang isa pang lalaki na siya namang kumuha ng video habang pinapalo ang aso.