Usap-usapan ang Facebook post ng singer-actor na si Ice Seguerra sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos ireklamo ang umano'y pagkawala ng dalawang items sa bagahe ng asawa niya, na si dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño.
Mababasa sa Facebook post ni Ice noong Miyerkules, Marso 26, na may items daw na nawawala sa isang box at maleta ng kaniyang asawa. Hindi naman tinukoy ng singer kung anong items ang tinutukoy niyang nawawala.
"Hello NAIA 1! Kakarating lang ng asawa ko from the US via PAL flight. May nawawala pong dalawang items sa loob ng box at maleta niya. Pwede kaya makausap yung security niyo diyan? Para ma check yung mga lost items," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Pano po natin promote yung tourism natin kung sa NAIA p lng trauma n tayo, what more mga foreigners n visitor ng Bansa kabayan wag n tayo magtaka kung sa ibang bansa magnanakaw ang tingin satin dahil mismo sa bansa natin Pilipinas ganun gawain."
"dapat po sana ireport ntin sa kinaukulan wala pong magagawa ang fb sa reklamo natin kc it will cause another chaos and to pal admin and airport employees let be responsible for our costumers safe and viables for lost kc it will reflects to ur company..at kung merun mang pagkukulang at intensyon n mali let the proper forum and people to investigate and castigate para mapanagot kung merun man maling nangyari sa pagkawala ng gamit nu.."
"Sobrang nakakahiya ang ganitong sitwasyon. Ndi lng sarili nila ang ipinahihiya kundi buong PILIPINAS!"
"Dapat lahat ng sulok ng NAIA may cctv para mkita lahat ng mga tauhan nila kung sino yung mga nagnanakaw ng mga gamit na nawawala."
"Nangyari din sa akin yan nung umuwi ako sa pinas for vacation. Yong 1 maleta ko nawala! Pal din ang sinakyan namin tapos ni report ko din nabalik naman sakin ang maleta kaso sira na yong lock binuksan talaga! At may mga pasalubong akong nawala. Sana matigil na yang kalokohan nila kasi nakakatrauma naman kung ganyan ang mangyayari tuwing magbabakasyon."
Kamakailan lamang, muling napag-usapan ang NAIA dahil sa reklamo naman ng mag-ina matapos daw na kamuntikang hindi makaalis ng bansa dahil sa akusang may bala ng baril ang kaniyang bagahe.
KAUGNAY NA BALITA: 69-anyos na babaeng pasahero, nakaranas umano ng 'laglag-bala' sa airport
Matapos ang imbestigasyon, sinabi mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tinanggal na sa trabaho ang mga airport personnel na sangkot dito.
KAUGNAY NA BALITA: Mga airport personnel na sangkot sa 'laglag-bala,' sinibak sa trabaho!
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng NAIA tungkol sa isyu. Hindi pa rin nagbibigay ng updates si Ice kung naibalik na ba ang mga nawawalang items ng asawa.