Tuluyan nang umalis si Senadora Imee Marcos sa senatorial slate ng administrasyon na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Miyerkules, Marso 26, sinabi umano ni Sen. Imee na ipagpapatuloy na lang daw niya ang pagiging independent candidate.
"I cannot stand on the same campaign platform as the rest of the Alyansa. As I have stated from the outset of the election period, I will continue to maintain my independence,” saad niya.
Matatandaang kamakailan lang ay inihayag ng senadora na hindi raw niya alam kung kasama pa siya sa senatorial slate ng administrasyon.
MAKI-BALITA: Sen. Imee, walang alam kung kasama pa siya sa Alyansa: 'Hindi ko alam'
Ito ay matapos hindi banggitin ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pangalan niya sa ikinasang kampanya ng Alyansa sa Cavite noong Marso 23.
MAKI-BALITA: 'Sinong nilaglag?' PBBM, inendorso 11/12 senatorial bets ng Alyansa